Quantcast
Channel: Pinoy Power
Viewing all articles
Browse latest Browse all 721

ABS-CBN Primetime Shows Score Higher Ratings

$
0
0
Mas tumaas pa ang national TV ratings ng mga primetime show ng ABS-CBN noong nakaraang weekend (mula Hunyo 5-7), base sa pinakahuling datos ng Kantar Media.





Umariba ang “Maalaala Mo Kaya” na pumalo sa national TV rating na 39.2%, o halos 17 puntos na lamang kumpara sa kalabang “Magpakailanman” (22.3%).

Humataw din ang grand showdown ng “Your Face Sounds Familiar” na nakakuha ng national TV ratings na 37.6% noong Sabado, at 36.7% noong Linggo. Inabangan din ng Kapamilya viewers pagsisimula ng “The Voice Kids” Season 2 na nagtala ng 35.4% noong Sabado at 36.2% noong Linggo.

Samantala, pumalo naman ang “Nathaniel” sa all-time high national TV rating nito na 37.5%, o mahigit doble ng katapat nitong programa sa GMA na “Pari Ko’y” (15.8%).

Record-breaking din hindi lamang sa social media kundi pati na rin sa TV ratings ang inaabangang paglabas nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa teleseryeng “Pangako Sa’yo” na nakapagtamo ng national TV rating na 37.2%, kontra sa laban sa “Let the Love Begin” na mayroong 13.8%.

Mas naging mainit naman ang pagtutok ng sambayanan sa mas umiinit ding love triangle nina Gael (Jericho Rosales), Carlos (Paulo Avelino), at Mia (Maja Salvador) sa “Bridges of Love” na rumatsada sa national TV rating na 23.7%, o halos doble ng kalabang “The Rich Man’s Daughter” (12%).

Hindi rin nagpahuli ang pinakabagong seryeng “Pasion de Amor” na nagtala ng 22.5% na siyang pinakatamaas nitong ratings simula nang umere ito noong Hunyo 1, kumpara sa “My Mother’s Secret” ng GMA na may 8.6%.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 721

Trending Articles